Maling English

Noong isang araw, sinuot ko yung sapatos kong pantakbo. Bigla akong napaisip sa tawag dito sa Ingles. Running shoes. Hindi ba mali ito?

Running shoes. Ngunit kung iisipin mo, bakit nga ba running shoes ang tawag? Eh hindi naman tumatakbo yung sapatos. Magugulat siguro ang kahit na sinong makakakita nito. Sapatos yun na kusang gumagalaw.

Naisip ko rin ang term na basketball shoes. Same concerns: hindi naman basketball yung shape niya. Hindi rin siya pwedeng magamit na bola pang-basketball.

Kaya next time, wag mo na lang sabihing running shoes: sabihin mo shoes made for running. At imbes na basketball shoes, tawaging shoes for basketball.

Salamat sa pagsasayang ng oras mo.

Advertisements