Solo: my Holi Festival adventure

Ito marahil ang pinakamalungkot na biyahe ko sa buong buhay ko so far. At ang pinuntahan ko pang lugar ay matao at napaka-festive. Feeling ko talaga wala ako sa lugar!

Ito ang Holi Festival ng India na ginanap sa SM Mall of Asia by the Bay. 200 pesos ang entrance fee. Sa loob, maraming mga Indian (malamang, dahil festival nila ito). Pero marami ring mga dayuhang puti. May nakausap akong isang Swiss na arkitektong tatlong taon nang naninirahan sa Pilipinas. Ngunit tumanggi siyang magpa-interview on camera.

Ang nainterview ko lamang ay si Raklesh, ‘yung nagsasalita tungkol sa chaat items o Indian street food sa kalagitnaan ng video. Ngunit kahit siya ay ayaw magpa-on camera. Boses lang.

Panoorin niyo na lang ang solitary adventure ko: