Ang RH Bill at FOI Bill

Dalawa sa mga bill na hinihintay ng karamihang maipasa ay ang RH Bill at ang FOI Bill. Ilang taon na, dekada pa nga ata, naghihintay ang mga tao, pero wala pa rin. Kung bakit, hindi natin malalaman.

Kaya eto ang aking mga pinopropose na mga RH bill at FOI bill na posibleng ipasa rin ng gobyerno:

Red Horse Bill – naglalayon ang bill na ito na bigyan ng malaking discount ang Red Horse Beer sa lahat ng mga tindahan. At dahil dadami na ang iinom, dapat magkaroon na rin ng….

Freedom of Inuman Bill – ang bill na ito ay isasabatas ang pagpapatayo ng mga tambayan aka inuman hotspots sa paligid. Imbes na waiting shed lang, lalagyan ito ng mesa, upuan, at basurahan sa tabi kung saan duduwal ang mga lasing na.

Fried Okra and Isda Bill – magiging batas na na dapat ulam once a day ang fried okra at isda. Kung empleyado ng gobyerno, dapat kainin ito tuwing lunch at dapat i-share sa mga katrabaho.

Radyong may Headphones Bill – para mabawasan ang ingay sa kapaligiran, labag na sa batas ang makinig sa radyo na nakaloudspeaker sa pampublikong lugar. Kung gusto mong makinig, magheadphones ka nang hindi mahuli.

Filipinos Only Indahouse Bill – bawal na ang dayuhan sumali sa PBB. Palagi na lang dayuhan. Purong Pinoy lang ang pwede.

Robot at Halimaw Bill – lahat ng pelikulang gagawin sa bansa, kailangan may robot o halimaw na character. Kapag may robot, dapat design ‘to ng Department of Science and Technology. Kapag may halimaw, dapat design ng isang national artist.

Syempre hindi ito ipapasa ng gobyerno. Masyadong out-of-this-world ang mga ‘to. Pero malay niyo naman diba? Alam niyo naman ang gobyerno natin. Minsan may pagkawirdo. Ipasa na kasi ‘yang RH Bill (yung Reproductive Health) at FOI (yung Freedom of Information Bill) nang hindi nasasayang ang oras niyo sa mga walang kakwenta-kwentang kasulatan kagaya nito.

Advertisements

9 responses to “Ang RH Bill at FOI Bill

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s