Mga Realization sa Sistema at Prinsipyo

Post can also be read in my other blog, Komyut.

Matagal ko nang ninais naisulat ‘to, kaso ngayon lang dumating ‘yung panahon.

Isang gabi noong may pasok pa, mga early to mid-March – ay teka, hapon ata yun. Sa tagal na, hindi ko na maalala yung mismong detalye.

Pero okey lang yan. Beside the point na kung anong oras siya nangyari.

Isang Biyernes yun. Rush hour. Sweldo weekend. Maraming tao. Punuan lahat ng pampasaherong sasakyan: MRT, jip, bus, you name it, puno sila.

Habang nasa MRT ako mula Quezon Ave, iniisip ko na kung saan ako bababa: Buendia o Ayala? Madalas kasi, halos araw-araw, sa Ayala ang baba ko, tapos bus mula doon. Sa mga araw na sumasabay ako sa tatay ko pauwi, bumababa ako sa Buendia tapos lalakarin ko papunta sa opisina niya. Kapag rush hour rin, at nag-iisa lang ako, sa Buendia ako bumababa. So hindi talaga ganoon kadalas ang baba ko doon.

Naisip kong bumaba na lang sa Ayala. Mas mabilis ang biyahe, kahit na sigurado akong nakatayo ako sa biyahe.

Huminto na ang MRT at bumaba ako sa sakayan ng bus. Ang daming tao. Umaapaw ‘yung sakayan ng PACITA at ALABANG. “Shet,” naisip ko, “sana nag-Buendia na lang ako.” Ang dami talagang tao!

Dahil nakatira ako sa Alabang, malamang tumayo ako sa sakayan ng ALABANG. Ang dami talagang tao, grabe. At bawat bus na dumadaan, puno na. As in hanggang sa may pintuan na yung standing room. Wala nang makasakay.

Yung ibang nakapaligid sa ‘kin, nag-aabang lang nang mahinahon ng bus na masasakyan nila. May mga fellow komyuters naman sa paligid ko na nagpupumilit sumiksik sa bus. Meron namang nag-aabang talaga, tapos tatawid sa gitnang island at doon sasakay, kahit ordinary bus na lang. Walang problema sa mga ‘to. Tama naman ang ginagawa nila.

Pero merong iba na talagang kinasusuklaman ko. Mga nagkokomyut na talagang gusto kong tadyakan. Eto yung mga mistulang nag-e-exodus papunta sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga bus. Sa lugar kung saan walang sakayan. TAPOS DOON SILA SASAKAY. Mga engot rin naman yung mga drayber ng Alabang bus. Pasasakayin naman sila. At pagdating sa holding area ng PACITA-bound riders, magpapasakay pa rin sila. E di anong mapapala ng mga naghihintay sa holding area ng mga ALABANG-bound? Syempre wala nang mauupuan at wala na ring matatayuan kasi nga sobrang dami ng tao.

Engot yung mga pasaherong lumalabag sa batas, mas engot yung mga drayber na walang pakialam sa batas. Pero ang pinaka-engot sa lahat ng nandoon sa paligid ay hindi yung komyuter o yung drayber; ‘YUNG MGA MMDA ang rurok ng kinaiinisan ko. Alam na nga nila yung batas, dapat pinatutupad nila yung batas, nakikita nilang nilalabag ng mga drayber at komyuter yung batas, pero wala silang pakialam. Nakatanga lang dun, nagmamando sa mga bus na dumerecho. Para namang may iba pa kasing pupuntahan yung mga bus. Alangan namang lumiko sila.

Sa magulo’t nakakinis na kapaligirang kinatayuan ko nang hapong iyan, may realizationg tumama sa ‘kin.

Kahit ano’ng mangyari, mahirap na mahirap talagang hindi malamon ng sistema. Sa sistema ng gobyerno, ng midya, ng kahit ano.  Kahit na gaano ka pa ka-idealistic, hanggang idea lang yan. Sa dulo ng lahat, kailangan mong maglagay ng pagkain sa hapag-kainan para sa pamilya mo, kailangan mo ng pera para mapa-aral ang anak, kailangan mo ng pera pambayad mo ng utang sa inuupahang bahay o apartment.

At sa kaso ko, kailangan kong makauwi. At labag man sa kalooban ko, kailangan talaga minsang kalimutan ang prinsipyo at “makisama” sa ginagalawang kapaligiran, kung saan ang mali ay tama, at kung saan ang pinaniniwalaan mong tama ay hindi gagana.

Naalala ko dati, may isa akong propesor na nagsabing kung gusto mo ng peryodismong malinis, mag-alternative media ka, yung mga tipong underground. ‘Yun nga lang, walang pera dun. Ang pera nasa mainstream na media. ‘Yun nga lang, medyo marumi. So bahala ka nang mamili kung anong mas pinahahalagahan mo.

Bilib ako sa mga taong talagang matatag sa prinsipyo nila, ‘yung kahit ano’ng mangyari ay hindi ito bibitawan. Mahirap gawin ‘to. Sobrang hirap.

At dahil sa realizationg iyan, napatunayan ko ring marami talagang matututunan sa pagkokomyut. Simpleng bagay lang, ang pagiging hirap sa pagsakay, naiugnay ko sa sistema at sa prinsipyo. Parang hindi bagay ang mga salitang komyut, prinsipyo, at sistema sa iisang ideya. Pero pwede na. Nagawa ko nga diba?

Advertisements

5 responses to “Mga Realization sa Sistema at Prinsipyo

  1. Hello, Enzo. Nag-aabang din ako ng bus kagaya mo. Kaya lang ang pinagkaiba natin, hindi kasi ako nagmamadali umuwi. Kaya nag-abang lang talaga ako sa holding area. After 10 minutes siguro, nakasakay din ako. May buhat ako nung super laking bag (oo, kasya nga ako dun e). Nilapag ko lang at ng-pray, “Pag di naubos ang mga epal na pasahero, magtataxi ako. Char.”

      • Aww. hindi ko naman pwedeng sabihin sa iyo na 20 minutes is just 20 minutes. You really value your time, don’t you? Hanap ka ng alternate route pauwi. Medyo hassle pero masaya. Daddag street smarts pa. Baka may madagdag ka pa sa blog entries mo.

  2. I AGREE. Ang mga tao naghahanap ng maayos na serbisyo, at yung kaunting serbisyong naibibigay ay hindi pa sinusunod nang maayos! Palibhasa kapag naging batas, iniisip ng mga tao ay obligasyon at therefore ay pabigat lamang! Jusko ang pagsunod kaya sa simpleng batas-trapiko ay hindi naman para sa mga sarili lang natin kung hindi para sa lahat ng mga tao sa kalsada na prone to accidents at any given second!

    HAHA ang dami kong sinabi right.

    • Kung ang pagsunod sa batas-trapiko, isang uri ng batas na simpleng-simple, e hindi magawa ng mamamayan, paano pa kaya yung mga ibang batas tulad ng mga nakasaad sa saligang-batas?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s