Ang Hell-rollment Day Kong Ito, Parang…

'Yung feeling na nasa bahay ka, gutom ka, at umaalingasaw 'yung amoy ng niluluto ng nanay mo. Sobrang bango, amoy pa lang pwede ka nang mabusog. Matapos niyang lutuin, inihain sa hapag-kainan. Nakikita mo na ngayon. Ang sarap tignan. Nakikita mo na kung gaanong kasarap ito. Kumuha ngayon 'yung kapatid mong gutom din. Nakita mo sa mukha niya ang sarap ng ulam. Paborito mo pa namang ulam 'to. Nakita mo 'yung mukha niya kung gaano siyang nasasarapan, naamoy mo 'yung ulam, nakita mo yung presentation nung ulam…

Pero nung kukuha ka na, wala na, naubusan ka na.

'Yung feeling na nasa Triwizard Tournament ka, nakipagpatayan ka na sa mga kalaban mo, nagamit mo na lahat ng spell na alam mo, naubos mo na lahat ng energy mo, wala ka nang maibibigay pa. Sa wakas nasa harapan mo na 'yung Triwizard Cup, mananalo ka na, kukunin mo na lang.

Pero pag hawak mo, Portkey pala. Napunta ka pa sa ibang lugar.

'Yung feeling na inaabang-abangan mo 'yung idol mong singer o banda na pumunta sa bansa para mag-concert, nag-ipon ka, inayos mo schedule mo para hindi ka maging busy sa araw ng concert, inabangan mo kung kailan lalabas ang tickets para makabili ka agad at makaupo ka malapit sa stage. Bumili ka pa ng tickets para sa meet-and-greet para mapapirmahan 'yung CD mong original na special edition, 'yung T-shirt mong in-order mo pa sa Amazon, 'yung DVD na pinabili mo pa sa tita mong pumunta ng Amerika nung bakasyon. Ganun mo sila ka-idol.

Pero sa linggo bago sila pumunta dito, dahil sa mga personal na problema, hindi na lang sila tutuloy.

'Yung feeling na sa raffle, narinig mo ng tawagin 'yung pangalan mo para sa grand prize na isang milyong piso.
Pero kapangalan mo lang pala.
'Yung isasara mo na lang 'yung kamao mo para makuha ang isang bagay, para ma-grasp ito.
Pero biglang may ibang hahablot.

'Yung feeling na nasa bahay ka, gutom ka, at umaalingasaw 'yung amoy ng niluluto ng nanay mo. Sobrang bango, amoy pa lang pwede ka nang mabusog. Matapos niyang lutuin, inihain sa hapag-kainan. Nakikita mo na ngayon. Ang sarap tignan. Nakikita mo na kung gaanong kasarap ito. Kumuha ngayon 'yung kapatid mong gutom din. Nakita mo sa mukha niya ang sarap ng ulam. Paborito mo pa namang ulam 'to. Nakita mo 'yung mukha niya kung gaano siyang nasasarapan, naamoy mo 'yung ulam, nakita mo yung presentation nung ulam…

Pero nung kukuha ka na, wala na, naubusan ka na.

Pero 'yun pala, may tinira pa para sa'yo, at sinerve 'to sa'yo ng nanay mo.

Lahat ng 'to nafeel ko ngayong araw, mostly dahil sa enrollment, 'yung iba dahil stressful lang overall ang araw na 'to. OK na rin. Ang mga hindi natuloy na plano, o nabitin, o nakalimutan, nabawi nung nakatabi ko si Dong Abay sa jeep. Natempt akong kumanta bigla ng "Banal na asoooo! Santong kabayooooo! Natatawa ako HIHIHIHI….sa'yo!"

Salamat na rin sa Diyos sa araw na 'to. Isang buong araw ng paghihirap at pagaabang, ng pagkakabigo at pagpapakapagod, dahil first time kong maexperience ang ganitong klaseng enrollment.

Lord, once is enough. Please.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s