Konduktor na Galit

Matagal-tagal ko na ring hindi nasusulatan itong Livejournal ko.

Kanina, noong papunta akong SM North Edsa from UP with my UPJC orgmates, traffic sa North Ave. as usual. Sa kanan ng jeep na sinasakyan namin, may mga motorsiklong pilit na sumisingit para lang makauna. Sumisingit siya kahit alam naman ng lahat na wala talaga siyang karapatang sumingit dun. At isa pa, wala rin naman siyang masisingitan.

Biglang narinig naming sumigaw si Kuya Konduktor, "Kayong mga motor kayo singit kayo ng singit e! Kaya namamatay mga katulad niyo e!" Hindi yun yung eksaktong sinabi ni Kuya Konduktor, pero something to that effect. Natuwa ako sa kanya.

Una sa lahat, tama siya. Dahil sa mga ganyang moves ng mga motorcycle cockroaches sa kalye kaya sila naaaksidente. At kapag naaksidente naman sila, kasalanan pa noong nakabangga sa kanya. In other words, yung nasa tamang lugar na sasakyan na bumangga sa motorsiklong wala sa lugar, siya pa yung may kasalanan. Maling mali ito.

Pangalawa, hindi dahil kayang makasingit ng motorsiklo sa masisikip na lugar ay dapat na silang sumingit. Katumbas 'yan ng pagtatae sa kalye dahil kaya ng isang tao, kahit na hindi ito tama.

Tama si Kuya Konduktor sa mga sinabi niya kay Motorcycle Cockroach.

So noong bababa na sa Trinoma yung ibang JCers, nagpapaalamanan na kami, nag-gugoodbye-goodbye. Biglang humirit na naman si Kuya Konduktor, "Tama na yang pagba-babay niyo. Para namang di na kayo magkikita Magkikita pa naman kayo bukas e!"

Dun siya mali. Eh pa'no kung hindi na pala kami magkita-kita?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s